Pinag-aaralan nga-yon ng Bureau of Customs (BoC) kung papaano mapapanagot ang broker na nasa likod ng dalawang beses na pagpupuslit ng mga imported na basura mula sa South K­orea at Australia patung­o sa Misamis Orienta­l.

Ang F2 Logistics Philippines Incorpora-ted na nakabase sa Parañaque City ang tinukoy ng bureau na nag-broker upang makapasok ang nasabing mga kargamento sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental mula sa Australia na pagmamay-ari ng kompanyang Holcim Philippines Incorporated na nakabase sa Lungait.

Ayon kay Minda-nao Container Terminal district collector John Simon, bubusisiin ng kanilang legal department kung ano ang mga nalabag na batas sa customs ng naturang kompanya.

Sinabi ni Simon na ang nabanggit na kompanya rin ang nasa likod ng pagpasok ng mahigit isang barko na mga basura na pagmamay-ari ng Verde Soko Philippines Inc. na mula South Korea noong Hulyo at Oktubre 2018.

Una nang binigyan-diin ng BoC na dalawang probisyon ng batas sa Customs ang nalabag ng Holcim dahil pinasok ang 162 tonelada ng basura sa Misamis Oriental na hindi tama ang deklarasyon na dumating sa bansa noong Mayo 7, 2019.

Ngunit sinang-ayunan ng DENR-EMB Northern Mindanao ang iginiit ng Holcim na “processed engineered fuel” ang kargamento na hindi umano magbibigay panganib para sa kalusugan ng publiko at kalikasan. (Mina Aquino)