Kung dati ay naging­ instant heartthrob siya nang mapansin ng netizens nang dumating si Pope Francis, ngayon eh may recording album na si Brother Kenneth Parsad.

Ngunit ngayong nag-iikot siya para i-promote ang album, medyo nagi­ging malamya na ang kilos ni Brother.

***

Projected 21 weeks, pero magtatapos na in two weeks ang Born For You nina Elmo ­Magalona at Janella Salvador.

Anyare?
Usap-usapan sa set na parang dala-dala talaga ni Elmo ang pressure sa teleserye at kitang-kita sa break out sa kanyang maruming mukha.

Hindi rin gaanong kaaya-aya ang kanyang pananalita at pagkanta.
Sabi nga ng mga tao sa pinanggalingan niyang network, “He wasn’t born for them.”

Eh kanino?

***

SUPER-PACKED ang Barclay Center sa US with the supporters ng ASAP at TFC ng ABS-CBN.

Maganda at sinama­han din sila ng successful Pinoys na nasa US and Canada tulad ng stars ng Broadways musicals, Carol Banawa, ­Joey ­Albert, Chiqui Pineda at marami pang iba.

Ang tanong lang ng ASAP fans, bakit parang lahat ng senior singers ay sabay-sabay na magko-concert tour at hindi muna uuwi?

Puwede pala ‘yun? Dahil ba mas istrikto na sila sa mga batang singer na siyang pam-frontline nila ngayon?

***

Matagumpay ang launch ng bagong libro ng Encantadia star na si Solenn Heussaff noong Sabado, September 3.

Taos pusong nagpapasalapat ang aktres sa mga sumuporta sa kanya.

Ani Solenn, “Thank you to everyone who came. I hope you enjoyed. HOT SOS is now available in all bookstores nationwide.”

One Response