Brownlee ayaw ‘lumobo’

Si Justin Brownlee, nanibago sa mahaba-habang break sa playoffs ng PBA Governors Cup.

Taong 2016 unang nag­laro sa Ginebra si Brownlee, inihatid niya ang crowd favorites sa titulo ng season-ending conference sa unang taon at inulit sa pangalawa.

Nadiskaril sila noong 2018, pero sinikwat naman ang korona ng Commissioner’s Cup sa taon na ‘yun.

Natapos ang quarterfinals kasalukuyang torneo noong Nov. 27 para bigyang-daan ang SEA Games, bumalik para umpisahan ang semis noong Dec. 14.

“It’s kinda tricky because you don’t wanna get out of shape too much,” wika ng resident import sa mahaba-habang pahinga. “You wanna stay focused and locked in. It’s the Finals.”

Tinapos ng Gins ang final four series kontra NorthPort sa apat na laro, huli noong Biyernes. Nagkaroon naman ng Christmas break ang liga, babalik sa Jan. 8 para umpisahan ang best-of-seven Finals.
Meralco o TNT?

“At this point, whoever we play, Meralco or TNT, we know it’s gonna be tough. Those two teams are pretty much the top two teams for most of the conference,” aniya. (VE)