Semis Game 2 nga­yon: (Smart Araneta Coliseum)
7 pm – Rain or Shine vs. Ginebra

Nakaiskedyul na ituloy mamayang gabi ang Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals ng Ginebra at Rain or Shine sa Smart Araneta Coliseum.

Kinansela ang laro noong Martes dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Lamang sa best-of-five series ang Gin Kings pagkatapos lagukin ang opener 102-89 noong Linggo.

Sina Justine Brownlee at Jeff Chan ang na­nguna sa atake ng Gin Kings. May 35 points, 14 rebounds at 9 assists ang import, binalatan ni Chan ang pinakamatikas na laro suot ang Ginebra jersey sa 21 points mula sa 3 for 5 shooting sa 3-point range.

Bukod sa opensa, inangklahan din ni Brownlee ang depensa kay James Yap na pinahirapan sa 5 for 18 shoo­ting tungo sa 15 points. Pumutok ng 27 points si Yap, 7 for 10 sa labas ng arc, nang sipain ng Elasto Painters ang GlobalPort 103-97 sa quarterfinals.

Aminado si Brownlee na nahirapan siya sa pagbabantay sa two-time MVP.

“Guarding him is pretty tough because he shoots the ball very well, and he has a high release so it’s hard to block and hard to contest,” anang import. “He also can dribble, get in the lane and create scoring opportunities for himself.”

Kung wala si Brownlee, si Sol Mercado ­naman ang pinabuntot ni Tim Cone kay Yap.

Tuwing nagbabanta ang Rain or Shine ay nakakasagot ang Gins bago kumalas sa fourth.

“They’re a tough team, they push the ball well,” puna ni Brownlee. “Pu­shing the ball, playing fast, and that’s not nece­ssarily our game. Even though we can play that way, we want to be a lot more technical in all situations.”