STANDINGS
TEAMS W L
Ginebra San Miguel 1 0
NLEX 1 0
Meralco 1 0
NorthPort 1 0
Rain or Shine 1 1
Columbian 1 1
Magnolia 0 1
Phoenix Pulse 0 1
Alaska 0 2
San Miguel Beer 0 0
TNT 0 0
Blackwater Elite 0 0
Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum, QC)
4:30 pm – TNT vs Blackwater
7 p.m. – San Miguel Beer vs Phoenix Pulse
Kumampay si Justin Brownlee ng 30 points, 22 rebounds, 5 steals at 4 assists upang laklakin ng Barangay Ginebra San Miguel ang Alaska Milk, 102-83, para sa magarang binyag sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019 eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
‘Di nagpaiwan ang Gin Kings sa maagang pagpailanlang ng Aces sa tungo sa pagsungkit sa unang panalo sa humalobilo sa maagang pamuno kasama ang North Luzon Expressway, NorthPort at Meralco.
Agad tinala ng Aces ang 7-0 bentahe sa simula ng laro subalit agad itong ginantihan ng Gin Kings ng 9-2 atake upang itabla ang laro sa 9-all. Binuhos pa ng Gin Kings sa sumunod na 10 minuto ang 20-4 bomba upang itala ang 16 puntos na abante sa pagtatapos ng first quarter, 29-13.
Nakailang beses pang nakadistansiya ang BGSM ng malaking 24 puntos na abante sa salpukan bago ‘di na pinaporma ang AM at tuluyang makabuena-mano rin sa season-ending conference, pinailalim ang biktima sa 0-2.
Makasangga ni Brownlee si Greg Slaughter na may 14 points at 8 rebounds.
Ang nilamong buo ng Gins import na si Justin Watts ay naka-22 pts. at 12 rebs. lang para sa Aces, na lumamang ng pito sa laban.
Ang iskor:
Ginebra 102 – Brownlee 30, Slaughter 16, Dela Cruz 12, Pringle 10, Thompson 9, Tenorio 9, Aguilar J. 8, Sargent 4, Chan 3, Mariano 1, Caperal 0, Caguioa 0, Aguilar R. 0, Teodoro 0.
Alaska 83 – Watts 22, Manuel 14, Banchero 9, Tratter 9, Casio 8, Enciso 8, Galliguez 6, Thoss 3, Pascual 2, Ayaay 2, Babilonia 0.
Quarterscores: 29-13, 52-32, 77-58. (Lito Oredo)