May misyon si Justin Brownlee, kita ‘yun sa kanyang laro.
Gusto niyang bawiin ang korona ng PBA Governors Cup.
At lumalapit si Brownlee sa pagkumpleto sa misyon, nasa finals na ang Ginebra tapos sipain sa apat na laro sa best-of-five semifinals ang NorthPort, huli ang 120-107 triumph nitong Biyernes.
“I knew that Justin is really motivated, you can see it in his game,” puna ni coach Tim Cone.
Sa series-clinching win, nambarako si Brownlee ng all-around performance na 36 points, 19 rebounds at 8 assists.
“It feels good to be in the Finals, but at this point we’re not satisfied,” giit ni Brownlee paglabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum. “We wanna feel the greatest feeling. I’m just super proud of everybody, it just feels great and hopefully, we can get another one.”
Sa pangunguna ni Brownlee, sinikwat ng Gin Kings ang back-to-back titles ng season-ending tournament noong 2016 at 2017. Pero noong isang taon, nawala sila sa championship nang sipain ng eventual champion Magnolia sa apat na laro din sa semis.
“Super motivated,” dagdag ng resident import ng crowd darlings. “I wish we would’ve had that three-peat last year, but unfortunately we came up short.”
Misyon niyang huwag pumalya ngayong taon, pero may dalawang linggo pang magagarahe dahil sa January 8 pa sisiklab ang Finals.
Makakatuos ng Ginebra ang mananaig sa hiwalay na serye ng Meralco at TNT. Bolts ang biniktima ni Brownlee at ng Gins sa kanilang back-to-back crowns. (VE)