STANDINGS W L
TNT Katropa 2 0
Mahindra 2 0
San Miguel 2 0
Meralco 2 1
Ginebra 1 1
Alaska 1 1
NLEX 1 1
Rain or Shine 1 1
Blackwater 1 1
Star 1 2
GlobalPort 0 3
Phoenix 0 3
Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Mahindra vs. San Miguel Beer
7:00 p.m. — NLEX vs. Ginebra
Nasilip ng marami na may ibubuga si Justin Brownlee, makapag-adjust lang agad may patutunguhan siya at ang Barangay Ginebra San Miguel sa 2016 Oppo PBA Governors’ Cup.
Dulot ng jetlag at fatigue mula sa pagdating lang ng bansa noong Huwebes, nag-cramps ang buong katawan nito sa 29-minute play at tinakbo sa ospital sa kanyang debut game noong Linggo kaya may four minuto pa sa overtime game, nilabas na siya sanhi ng cramps at bumigay ang crowd favorite sa Alaska, 109-100.
“I’m disappointed for the fans that we didn’t pull our last game out, but I liked the way our guys competed all game long despite our import’s physical problems. We just ran out of gas in the overtime,” pag-amin ni Tim Cone.
“But that’s done and now we have a quick turnaround against a tough NLEX squad and their super import,” hirit ng Gin Kings coach.
“We’re hoping Justin adjust to PBA conditions a little bit more and plays a cramp-free game. Once we fill we get him adjusted, we’ll be on our way.”
Unang nahakbangan ng Ginebra (1-1) ang GlobalPort, 93-81, bago ang pagkaubos sa Aces pa-misyon mamayang seven o’clock kontra NLEX (1-1), na matapos ang 96-90 win sa Blackwater ay sumadsad naman sa defending champion San Miguel Beer, 94-93.
Sa 4:15 p.m. karera naman sa third straight win ang SMB (2-0) at surprised-co-leader Mahindra (2-0) sa pagkalas nila sa triple-die sa lead kasama ang idle TNT Katropa.
Pinaglalasing ng Beermen ang Phoenix (124-113) at NLEX (94-93) samantalang mga sinagasaan ng Enforcers (2-0) ang Star (100-92) at GlobalPort (108-98) papunta sa pagharap sa Beermen na pinakamabigat nilang karibal sa mura pa lang na season-ending conference.
“Our mind set going into this game one of a playoff game. We have prepared ourselves for a war against San Miguel and our guys are ready to put an all out effort tomorrow,” deklara ni Chris Gavina, ang first assistant coach ni coach Sen. Emmanuel Pacquiao, sa bisperas ng gyera.
“Were looking forward to the big challenge presented to us by San Miguel and its a challenge we have prepared meticulously for,” hirit pa ni Gavina, na aarmasan nina James White, Aldrech Ramos, Iman Zandi Mashaddy, Nino Canaleta at LA Revilla.