Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30pm — Alaska vs. Rain or Shine

6:45pm — SMB vs. Ginebra

MISMANAGEMENT sa minuto ni Justin Brownlee ang nakikitang pangunahing dahilan ni coach Tim Cone sa masaklap na 113-111 overtime loss ng Ginebra sa NLEX noong Sabado sa Dubai.

Dalawang beses lumamang ng 28 ang Gin Kings, nalusaw at napuwersa sa extra period bago tumukod.

“I mismanaged the game in terms of overplaying Justin,” ani Cone.

Sa dulo ng laro ay nagka-cramps na si Brownlee, non-factor na pagdating ng end-game at OT.

“I didn’t expect him to get the cramps,” dagdag ni Cone. “I should have known with all the dry weather there, that dehydration would be a problem.”

Sa kabila ng cramps, tumapos pa rin si Brownlee ng triple-double na 42 points, 20 rebounds at 10 assists sa loob ng 50 minutes.

Hindi ‘yun ang unang talo ni Cone matapos lumamang ng malaki. Habang nasa Alaska pa, tinalo rin siya ng Purefoods.

“I think I lost a 32-point lead to Purefoods one time,” balik-tanaw ni Cone. “But that was like 12-15 years ago. I’ve been on the winning side of those kind of games, and I’ve been on the losing side.”

Tapos na, nailista na ang talo. Hindi na pag-aaksayahan ng panahon ni Cone ang nangyari. Mahalaga ay ang mga susunod na laro, una kontra San Miguel Beer mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Isa pa lang sa tatlong laro ang naipapanalo ng Gins, 4-0 ang Beermen sa likod ng TNT (5-0).

“It’s over and done with,” pakli ng two-time grand slam coach. “We’ll move forward, our players had moved forward, and we’ll get ready Sunday against San Miguel. (VE)