Matapos mang-‘ghost’ ng dalawang beses si Barangay Ginebra San Miguel resident import Justin Brownlee, nagpakita na rin siya para sa San Miguel Alab Pilipinas.

Nitong nakaraang dalawang linggo, inin­diyan niya ang team, bigong makarating sa napag-usapang petsa pati sa training ng ASEAN Basketball League club.

Pero klinaro na ni Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag na may mga personal na dahilan lang kung bakit hindi naantala ang paglitaw ng winning import.

“He had some personal matters that needed to be taken care of, which we respect,” pahayag ni Alapag sa panayam ng Spin.ph.

Naghahanda sa kasalukuyan ang koponan para sa susunod na laban sa 10th ABL 2019-2020 eliminations kontra Saigon Heat sa darating na Linggo sa Vietnam.

Nakaapat na kampeo­nato si Brownlee­ para sa Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA), pinakahuli ang 2019-2020 Gover­nors’ Cup, at isa sa San Miguel Alab sa ABL nitong 2018. (Aivan Episcope)