Brownout sa Mayo 13 dapat paghandaan ng Comelec

By Lorraine Gamo

Hinimok ni Senador Nancy Binay ang mga power stakeholder na magkaisa para maiwasan ang kakapusan sa suplay ng kuryente sa araw ng eleksyon sa Mayo 13.

Ito’y kasunod ng pag-shutdown ng limang power plant sa Luzon noong Miyerkoles na nagtulak sa National Grid Corporation of the Philippines na mag-anunsyo ng rotating brownout.

“Rotating brownouts is a hot issue for everyone. We don’t want to darken the outlook of the May 2019 elections, kaya kailangan lahat ng ahensya ng gobyerno ay magtulungan to prevent a power outage to ensure a credible election,” ayon kay Binay.

Aniya, dapat ngayon pa lang ay may plano na para maiwasan na magkaroon ng power outage o communications breakdown sa eleksyon dahil maaaring ito pa ang magdulot para kuwestyunin ang magiging resulta ng halalan.

Mahalaga aniya ang kuryente at internet sa eleksyon kaya hangga’t maaga pa ay dapat maglatag na ang Commission on Elections (Comelec) ng contingency o back-up plan para maiwasan ang kakapusan sa suplay ng kuryente sa araw ng halalan.