Ilang araw pa rin na mananatiling walang suplay ng kuryente sa mga lugar sa Visayas region na naapektuhan ng lindol.

Hanggang kahapon, hindi pa rin umano sigurado kung kailan maibabalik ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente sa mga nabanggit na lugar. Ganunpaman ay tiniyak ng nasabing departamento na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang agad masolusyunan ang nasabing problema.

Sa ngayon, apektado pa rin ng power interruption ang Leyte, Samar, Bohol, Panay Island, Negros, Cebu at iba pang bahagi ng Visayas.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOE sa National­ Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para ma­laman ang lawak ng pinsala ng transmission facilites nito sa rehiyon.