Brunei trip ni Digong mabunga

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagdalo nito sa ika-50 anibersaryo ng pagkaluklok bilang Sultan ng Brunei ni Sultan Hassanal Bolkiah.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naging mabunga at makabuluhan ang maikling biyahe ng Pangulo sa Brunei Darussalam.

Personal na ipinaabot ng Presidente ang mainit na pagbati kay Sultan Bolkiah at muling pina­igting ang matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at Brunei.

“The President personally conveyed his warm greetings to His Majesty the Sultan of Brunei Hassanal Bolkiah on the occasion of the golden anniversary of his accession to the throne and also reaffirmed the long and enduring ties between the Philippines and Brunei and renewed the special friendship between the two countries,” ani Abella.

Sinamantala na rin ni Pangulong Duterte ang pagkakataon para mu­ling paigtingin ang relasyon ng Pilipinas sa mga lider ng bansa na dumalo rin sa okasyon.

Kabilang sa mga ito sina Prime Minister Hun Sen ng Cambodia, Indonesian President Joko Widodo, at Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Idinagdag pa ni Abella na batay sa pagsa­larawan ni Pangulong Duterte kay Sultan Bolkiah, isa itong tunay na kaibigan ng Pilipinas at tapat sa ha­ngaring makamit ng bansa ang pangmatagalang kapayapaan at pagsulong ng Mindanao.