Pagkatapos tanggapin ni Kobe Bryant ang Oscar para sa Best Animated Short Film sa Academy Awards nitong Linggo sa Los Angeles, binundol ng dating Laker­s superstar ang komento ni Laura Ingraham ng Fox News na dapat ay “shut up and dribble” lang ang mga basketball player.

“As basketball players, we’re really supposed to shut up and dribble but I’m glad we do a little bit more than that,” ani Kobe sa kanyang acceptance speech.

Nagkomento si Ingraham nang mapanood sina LeBron James at Kevin Durant sa Uninterrupted video na nagpapahayag ng opinyon laban kay US President Donald Trump.

Siyempre pa, kinontra nina LeBron at KD ang komento ni Ingraham.

Nitong Lunes, sinabi ni Durant na sa pagtayo lang ni Kobe sa stage ay napakalakas na impact na ang dating.

“I don’t really have to say anything about his speech because him just being up there in the first place says a lot,” ani Durant. “You don’t reall­y have to say anything anymore when you have basketball players winning Oscars. You don’t even have to respond to that stuff.”