BSP: $1.36B ang nawala sa ‘Pinas noong Enero

BSP may utang na P4.5B dibidendo sa gobyerno

Nasa $1.36 bilyon ang kabuuang nawala sa ekonomiya ng Pilipinas noong Enero.

Ang tinatawag na balance of payments (BOP) ay ang talaan ng lahat ng mga dolyar at iba pang foreign currency na pumapasok at lumalabas sa bansa.

Kasama sa bilangan ang mga remittance ng mga overseas Filipino wor­ker, lahat ng mga inaangkat at ine-export, pinapasok o nilalabas na investment, at ang binabayad ng pamahalaan para sa foreign debt.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nagka-deficit na $1.36 bilyon sa BOP dahil binawi ng mga foreign investor ang pinuhunan nila sa stock market at nagbayad ang pamahalaan ng foreign debt. (Eileen Mencias)