Umaabot sa P4.498 bilyon ang umano’y ‘underpaid dividends’ na hindi binabayaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa National Treasury.

Sa annual report na ipinalabas ng Commission on Audit (COA), binigyan-diin ng COA na hindi sumusunod ang BSP sa batas hinggil sa tamang pagbabayad ng dibidendo sa gobyerno
Ayon sa state auditor, sa halip na 75% net profit na inaatas ng RA No. 7656 (The Dividend Law) at RA 7653 (The New Central Bank Act), ang central bank ay nag-remit lamang umano ng 50% para sa mga taong 2008, 2009, 2016 at 2017.

“The 50% dividend rate used by BSP is ‘inconsistent’ with earlier COA decisions,” sabi ng COA.

Sa katulad na report, binasura umano ang BSP management sa COA finding at ipinilit na: “adjustment of the dividend rate is upon the approval of the President of the Philippines, upon the recommendation of the Secretary of Finance and in the interest of national economy and general welfare.”

Anim na taon na ang nakalipas nang sampahan ng kaso ng BSP ang COA sa Supreme Court. Gayunman, sa kabila ng naka-pending na desisyon ng SC, sa isang rejoiner ay inatasan ng COA ang central bank na sundin ang dividend computation at ibalik sa national government ang P4.5 bilyon na pagkakakautang nito.

Noong nakaraang Pebrero, pinirmahan ng Pangulo ang RA No. 11211 na kaila­ngang mag-remit ang central bank ng 75% ng kanilang net profits. (Allan Yves Briones)