BTS Jimin ginaya ng Pinoy fan

Rose Garcia

Na-feature sa isang online Korean entertainment site ang isang Filipino fan ng BTS.

Marahil ay siya ‘yung sinasabing kamukha ni BTS Jimin.

Posible raw na malito ang kahit sinong Army (tawag sa mga fan ng BTS) kapag nakita nila nang personal si Cliff Ford Alvarez. Kung tawagin ito ay doppelganger ni Jimin. Nagba-viral na raw ang pagiging magkamukha nila.
Pati kulay ng buhok at facial expression daw ni Jimin ay kuhang-kuha ng nasabing fan.

Sa true lang, laki nga ng pagkakahawig ng da­lawa.

Kulay orange rin ang buhok ni Clifford, kapareho ng signature hair ni Jimin sa BTS’s The Most Beautiful Moment in Life era. Posibleng inspired din daw ng latest look ni Jimin sa BTS’s new comeback concept photos.

At dahil din sa mala­king pagkakahawig nila, nanalo na si Clifford sa isang contest. First place ito sa isang K-pop convention, ang KCON look-alike contest.

Ang Instagram nito ay halos kopya sa mga pose, selfie style ni Jimin. Pinagkamalan din itong isang Indonesian.

Pero sabi nga, kahit gaano man niya magaya o maging kamukha ang BTS member, wala pa rin siyempreng makakapag-duplicate sa singer/idol, lalo na sa puso ng mga Army.