Walang katapusang mga parangal ang natatanggap ng globally popular South Korean boy group na BTS. One after another talaga ang mga recognition na natatanggap nila mapa-South Korea o sa ibang bansa.
Noong October 5, ginawaran ng civic group na Nation’s People Preserving the Korean Language ang BTS bilang “Top Promoter of the Korean Language” ngayong taong 2018.
Nakapag-bigay na rin ang grupo sa mga nakaraang taon sa ilang celebritties ng “Top Protector of the Korean Language.” Dahil dito, marami ang nag-suggest na bigyan din ng parehong title ang grupo pero they decided na ibahin ito. Kinikilala nila ang BTS sa pagpapalaganap ng Korean language at culture sa buong mundo. Na bukod sa popularidad ng BTS internationally, recently lang ay ang mga ito rin ang nagbigay ng speech sa United Nations.
Ayon sa naturang civic group, “There is an increasing number of people overseas who want to learn the Korean language, and television shows and popular music are leading the rise in popularity,” they stated. “BTS has been chosen as the first because of their large contributions to raising international awareness about our language and culture.”
Sa ngayon, ang BTS ay busy sa kanilang North American leg na “Love Yourself” world tour. At ang BTS din noong October 6 ang kauna-unahang Korean artist na nagkaroon ng solo stadium concert sa Citi Field sa New York City. ()