tonite-annyeong-rose-garcia
Ilang beses na naming­ naisulat na ibang klase talaga ang popularidad at pagigiging phenomenal ng South Korean BTS.

 

Kung accomplishments din lang mapa-local o international ay malamang na kukulangin ang isang pahina. Halos araw-araw, may significant na nangyayari sa 7-member group na ito.

 

Breaking news na naman ang BTS dahil sa isinagawang research ng Axios. Napatunayan na napakalayo ng agwat ng pagiging number one Twitter account ng BTS in terms of interactions.

 

Once again, na-prove ng K-pop boy group na ito na sila ang ‘Top Social Artist.’
According to the data provided by Axios, the K-Pop boy group “is far and away the No. 1 Twitter account,” with 407 million in the number of interactions.

 

Natalo ng BTS ang ibang kilalang international figure o celebrities tulad ng Presidente ng America na si Donald Trump na pangalawa sa grupo pero nagtala lang ng 104 million interactions.

 

Pangatlo naman ang International singer na si Ariana Grande with 101.8 million interactions. Pang-apat pa ang @bts_bighit. Bukod sa BTS, ang isa pang K-pop boy group na GOT7 lang ang nakapasok sa Top 10 with most Twitter interactions. Pumasok ito sa Top 7.

 

The rest, mga kilalang international singers na tulad nina Miley Cyrus at Shane Dawson.

Song II Gook, Triplets balik Seoul

Isang taon nang naninirahan sa France si Song II Gook kasama ang kanyang misis na isang judge at ang popular triplets niyang mga anak na sina Daehan, Minguk, and Manse.

 

Si Song II Gook ay kilalang actor, lalo na ang kanyang historical drama na “Jumong.”

 

 

Dalawang taon din na napanood sa KBS’ The Return of Superman si Song II Gook at ang triplets mula 2014 hanggang 2016. Kaya pinapa-well loved triplets talaga ang mga ito at isa sa most followed in Instagram as for Song II Gook na ina-update pa rin ang mga fan sa pamamagitan ng kanyang IG account.

 

 

Muling nagbalik sa Seoul, South Korea ang actor para gumanap sa stage play na “God of Carnage” na una niyang ginawa noong 2017 and after the production run, nag-desisyon na sumunod sa kanyang Misis sa France and stayed there for a year.

 

Sa ginanap na press conference, inamin nito na mahirap daw gumanap­ sa same role in a stage play ng dalawang beses. “As an actor, it’s hard to be in this kind of project twice in your life. That’s why I’m so happy when rehearsing and when we’re on stage.”

 

There’s happy and not-so-happy moments daw spending 24 hours with your family pero dahil malaki raw ang respeto nilang mag-asawa sa isa’t isa, kahit na may arguments sila, hindi sila nagsisigawan sa isa’t isa. In fact, nagbiro pa ang actor na sometimes, losing to his wife is already winning to him.

 

Ayon pa rito, “A year-long hiatus could be a nega­tive thing, but the time that I spent with my fami­ly is working positively.”

 

 

Halatang excited naman ito sa pagbabalik sa pag-arte though, sa theater pa and hopefully, he’ll consider doing a drama again.

 

BTS Jimin naungusan na si Kang Daniel

Isang taon yata na na­nguna sa Brand Reputation Ratings ang dating leader ng Wanna One na si Kang Daniel. Pero ngayong February, pumangalawa na lang ito kay BTS’ Jimin. Ang nagsasagawa ng survery nito buwan-buwan ay ang Korean Business Research Institute.

 

 

Red Velvet Wendy naging emosyonal sa concert

Hindi napigilan ni Red Velvet’s Wendy na maging emosyonal sa naging concert nila sa Toronto, Cana­da. Ito mismo ang kanyang hometown. Feeling daw ito ay nanana­ginip lang siya lalo na at nakikita niya sa audience ang mga magulang, mga kaibigan at maging na­ging teacher niya sa school.