Pinabubuwag ng isang mambabatas ang Bureau of Corrections (BuCor) sa harap ng mga anomalyang naisiwalat sa pagdinig ng Kamara na nagpapakita ng bulok na sistema sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe isa sa legislation na dapat pag-isipang isulong ng Kamara matapos ang imbestigasyon sa illegal drug trade sa NBP ay buwagin na ang BuCor.
Suhestiyon ni Batocabe na ang mga prison-guard ay i-train gaya ng Special Action Force (SAF) at taasan ng sweldo habang ang mga BuCor personnel na may security of tenure ay ipa-retire habang ang mga kasabwat ng mga inmates ay kasuhan.