Nagbitiw na bilang tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) si Msgr. Roberto ‘Bobby’ Olaguer, chaplain ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nabatid na tinanggap naman ng pamunuan ng NBP ang kanyang pagbibitiw lalo na at naging kontrobersyal ang mga pahayag ni Olaguer sa engkuwentro ng mga tauhan ng NBP at ng Special Action Force (SAF) sa isang raid sa pambansang bilanguan kamakailan.

“Nag-resign na ako as spokesperson ng Bureau of Corrections since Monday, may nabitawan akong salita noong last week na totoo naman na nakaka… daw sa image ng bureau o ng staff, ‘di ko naman puwede bawiin ‘yun, tinanggap naman at mag-a-assign na lang daw ng iba,” pahayag ni Olaguer sa programang Veritasan ng Radyo Ve­ritas.

Samantala, sinabi ni Olaguer na dumadalo ngayon sa re-training ang mahigit 200 kawani ng NBP, karamihan dito mga jail guard sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna upang mapataas ang kanilang moral.

Bumaba aniya ang moral ng mga kawani matapos silang pagbintangan na mga scalawags.

“Pinipilit nating itaas ang moral ng mga empleyado, may guard kami na higit 200 nag-retraining ngayon ang mga pri­son guard, marami pa ring matutuwid pero ni-label sila ng isa-isa sa lider natin lahat sila scalawags medyo na-demoralize sila, kaya nagte-train sila sa Camp Vicente Lim, at binibigyan ko sila ng mo­ral booster at mapalakas pa ang loob nila para ‘di sila ma-demoralize,” ayon pa kay Olaguer.

Nitong nakaraang linggo lamang nakakumpiska muli ng mga shabu, pera, armas at mga gadget sa NBP na a­yon kay Olaguer ay posibleng tira-tira na lamang ng mga bultuhang nakumpiska noon.

“May mangilan-ngilan na lang na nakukuha na shabu, siguro mga tira o personal na gamit na lang nila, palagay ko wala ng makapagpasok ng bulto-bulto, nakapahigpi­t na ta­laga, ‘yan ang inaasahan natin ang maging parang success operation ang SAF,” ayon kay Msgr. Olaguer.

4 Responses

  1. KAPAG NAWALA NA SA BALITA, IBIG SABIHIN NABAYARAN NA SI AGUIRRE, PARE PAREHO LANG PALA SILA, ALAM NG LAHAT NG TAO KUNG ANONG RELIGIOUS ORGANIZATION ANG SANGKOT SA KONTROBERSYA, AT ALAM DIN NILA NA SILA LANG ANG MAY KAKAYAHAN NA MAGBAYAD AT PATAHIMIKIN ANG MEDIA.

    1. walang duda, nakipagkita na nga si Aguirre sa amo nila, NAGUSAP NA…Saan ka naman nakakita na ang opisyal pa ng gobyerno ang lumalapit para makipag usap? o para “ayusin” ang problema.