Sisimulan na ngayong araw ng House of Representatives ang pagbusisi sa P3.767-trilyong national budget na hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang sasalang sa pagdinig ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na magbibigay ng briefing patungkol sa economic targets, annual government expenditures at tamang alokasyon.

Ang briefing ay pangungunahan nina Budget and Management Secretary Benjamin Diokno; National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia; Finance Secretary Carlos Dominguez at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla, Jr.

Hinimok naman ni House Committee on Appropriations Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles ang mga kapwa mambabatas na pag-aralang mabuti, ang budget proposal upang masiguro na ang pondo ay pakikinabangan ng taumbayan.