Ilang kabahayan at mga pananim ang nawasak nang manalasa ang buhawi sa isang village sa South Cotabato kamakalawa.
Sa ulat ng South Cotabato Provincial government, maraming puno ang nabunot at natumba maging ang mga poste ng kuryente nang umatake ang ipu-ipo na may kasama pang pag-ulan sa Barangay Lambayong, Tampakan, bandang alas-tres ng hapon.
Ang residenteng si Sarifa Garcia, 42, ay sugatan nang sumapol sa kanilang bahay ang natumbang puno ng niyog at nabagsakan din ito ng kisame.