Bukidnon checkpoint hinagisan ng granada, 2 pulis nadale

Sugatan ang dalawang pulis matapos na hagisan ng granada ng hindi pa kilalang suspek ang checkpoint sa bayan ng Cabanglasan sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PSSgt. Junmark Suico, at Patrolman Alvin Claunan, pawang miyembro ng 1st Bukidnon Police Mobile Force Company, na ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan dahil sat ama ng shrapnel.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 Lunes ng gabi sa Brgy. Mandaing ng nabatid na bayan.

Nagmamando sa checkpoints sa lugar ang mga miyembro ng 1st Police Mobile Force Company nang isang motorsiklo lulan ang isang suspek ang dumaan at bigla na lang silang hagisan ng granada.

Nakuha pang paputukan ng mga pulis ang papalayong suspek subalit hindi na nila ito inabutan. (Edwin Balasa)