Bukidnon encounter, 1 patay

dead-body

Nasawi ang isang sundalo matapos na makasagupa ang tropa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa  isang lugar sa Bukidnon, kamakalawa ng hapon.

Hindi muna pinangalanan ang sundalo habang hindi pa umano naipagbibigay-alam ang insidente sa pamilya nito.

Ayon sa report ni Army 4th Infantry Division spokesperson Captain Joe Patrick Martinez nangyari ang insidente dakong alas-dos ng hapon nang makatanggap ng report hinggil sa mga NPA na nangongotong sa Sitio Kambangon, Brgy. Lilingayon, Valencia City.

Rumesponde ang mga tropa ng sundalo subalit pagdating umano ay pinagbabaril ng mga rebeldeng NPA na ikinasawi ng isang sundalo.