Emosyonal na inalala ni National Basketball Association (NBA) legend Michael Jeffrey ‘MJ’ Jordan sa latest episode ng “The Last Dance” documentary sa kanya at Chicago Bulls ng ESPN at NetFlix kahapon (Lunes, Manila time) ang heartbreaking death ng kanyang ama na si James R. Jordan Sr.

Ginunita ni Michael sa docu-series episodes 7th-8th ang mga sandaling nakasama ang ama at klinaro ang pagpatay sa edad na 56-anyos noong Hulyo 23, 1993.

“I’m a very optimistic person. I guess the biggest positive thing I can take out of my father not being here with me today is he saw my last basketball game and that means a lot,” sambit ni Michael sa documentaryo.

“He was my rock. We were very close. He constantly gave me advice,” aniya pa, hinirit na labis na nag-aala ang pamilya niya, lalo na ang ina niyang si Deloris Jordan nang hindi umuwi ang asawa mula sa isang golf event.

“When she got worried, we all got worried,” kuwento ng His Airness sa reaksiyon ng nanay niya. “He was golfing.”

Nataon na ang pagyao ng ama ay pagkaraan sapagsungkit niya at ng Bulls ng una sa dalawa niyang three-peat US major cage league. Pero pagkahatid sa huling hantungan ng ama, nilisan ng batang Jordan ang pagba-basketball at nag-switch sa baseball bilang tribute sa tatay niya. (JAT)