Muli na namang nakaranas ng matinding baha ang ilang bahagi ng Bulacan dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng Habagat partikular sa coas­tal town na kinabibilangan ng Hagonoy, Calumpit at Paombong habang nagsuspinde din ng klase ang mga bayan ng Marilao, Meycauayan City at Baliwag kahapon.

Ayon kay Felicisima Mungcal, Executive Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (PDRRMC) ng Malolos City, nakaranas ng high tide ang malaking bahagi ng coas­tal town sa Bulacan habang apektado din ng tubig-baha ang ilang bahagi ng Mac-Arthur Highway lalo na sa bayan ng Marilao bunga ng pag-apaw ng mga ilog mula sa Meycauayan City patungo sa mga low-lying areas na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.