Bulacan buy-bust, 1 patay

Isa na namang shabu pusher ang napatay nang manlaban sa awtoridad habang dalawang babaeng kasama nito ang nadakip nang mahuling bumabatak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Sa inisyal na report, kinilala ng pulisya ang napatay na pusher na si Joselito Joson, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan habang hindi naman pina­ngalan ang dalawang babaeng nadakip na nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay ng suspek.

Natimbog ng Bocaue PNP ang suspek na si Joson matapos ang week-long surveillance operation pero sa halip na sumuko ay pumasok sa loob ng kanyang bahay­ at saka nagpaputok ng baril na naging dahilan upang ­ratratin ng mga pulis na ikinamatay nito.

Nakarekober ng mga awtoridad ang isang cal. 38 na baril, 28 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia sa loob ng bahay ng suspek.