Mas pinili pa ng isang shabu pusher na hindi magpahuli nang buhay sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Supt. Orlando Castil Jr., Guiginto police chief, nakilala ang napatay sa alyas ‘Jay’ na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan matapos manlaban sa mga awtoridad at makumpiskahan ng isang kalibre .38 at ilang pakete ng shabu.
Bandang alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro matapos makatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya pinaputukan ang mga awtoridad saka tumakbo at makorner sa madilim na bahagi ng kalsada hanggang sa mapatay ito.
MABUTI NAMAN AT NAGPAKAMATAY KA NA PUSHER NA ADIK KA!!!….NABAWASAN ANG PALAMUNIN NG TAONG BAYAN KUNG EREREHAB KA OR IKUKULONG KA PA…….HAHAHAHAHA