Pinulong kahapon ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang mga organisasyong gumagawa at nagbebenta ng mga fireworks at firecrackers kaugnay sa nangyaring Bocaue explosion nitong Oktubre 12, kung saan dalawa ang nasawi at mahigit sa dalawampu pa ang nasugatan.
Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng PNP, layunin ng pagpupulong na matalakay ang mga panukala at mga polisiya para hindi na maulit ang nangyaring pagsabog sa Bocaue Bulacan kung saan natupok din ang sampung mga establisiyimento at sampung mga sasakyan.
Kabilang sa mga dumalo ay mga representatives mula sa Philippine Fireworks Association at ang Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association.