Posibleng sumabog ang mga finished product na paputok at pailaw sa Bulacan kapag nabasa dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan at nauuwi sa pagbaha.

Ayon sa miyembro ng Philippine Pyhrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) na nakabase sa Bulacan, matinding pag-iingat ang ginagawa ngayon ng mga lisensiyadong firecrac­ker manufacturers dahil alam nilang kapag nabasa ng ulan at natuyo ang kemikal ng paputok ay malaki ang posibilidad na sumabog ito.

Bunga nito, doble ingat ang mga may-ari ng bodegang pinaglalagakan ng mga paputok na nakatakda nang ilabas sa merkado sa susunod na buwan.