Tututukan ngayon ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) Malolos city ang mga gunrunner na supplier ng mga paltik na baril sa mga tulak ng droga sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Tonite, hindi palalampasin ng Bulacan-PNP ang mga taong resĀ­ponsable kung bakit armado ang 90 porsiyentong mga pusher ng droga kaya matapang na kumakasa sa kapulisan.

Kasunod na hakbang ito ng mga awtoridad sa mas pinaigting na kampanya laban sa droga sa nakalipas na tatlong buwan kung saan 165 drug pushers ang nasawi sa buy-bust sa tatlong siyudad at 21 bayan bukod pa sa 110 na pusher na biktima ng salvage.