Naging panata na ng provincial government ng Bulacan ang pagbibigay ng gabay sa mga motorista at bakasyunista na magdadagsaan patungong norte at tatahak sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan sa tuwing sasapit ang Semana Santa.

Muling inatasan ni Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pag-ibayuhin pa ang pagbibigay ng seguridad sa mga mamamanata at bakasyunista ngayong Holy Week na magsisi­mula sa Marso 26 hanggang Abril 1, 2018.

Nakipag-ugnayan na ang PDRRMO sa mga kinauukulan para sa ilalagay na mga first aid station at assistance desk sa harap ng kapitolyo, sa may Brgy. Kapita­ngan, Paombong, at sa Divine Mercy Shrine sa bayan ng Marilao.