Negatibo sa droga ang isinagawang Oplan Galugad ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) sa Capitol compound sa Malolos City.

Pinangunahan ni P/Supt. Frankie Candelario, Company Commander ng Bulacan PPSC ang inspeksyon sa panlalawigang piitan na mayroong mahigit 3,000 preso na naging matagumpay dahil sa ilang cellphone at mga gadget lamang ang narekober at negatibo sa droga.

Ang operasyon ng Bulacan PNP sa Provincial Jail ay bahagi ng matinding kampanya ng kapulisan para matiyak na malinis sa anumang uri ng drugs at mga iligal na kontrabando ang piitan.