Papaiigtingin pa ngayong Setyembre ng Bulacan Police Provincial Office Malolos City ang Oplan Tokhang laban sa mga notorious shabu pusher sa tatlong lungsod at 21 bayan ng lalawigan.
Itutuloy ng Bulacan PNP ang kanilang ikatlong buwan ng matinding giyera laban sa droga kung saan target madakip ang mga natitira pang big-time shabu pusher partikular sa Sityo Dike, Barangay Banga 1st, Plaridel at Barangay Caingin sa bayan ng Bocaue.
Target na malutas ang isyu sa loob lamang ng tatlo hanggang limang buwan.