Isang drug pusher ang nadakip ng Balagtas Police at nakumpiskahan ng shabu, marijuana at isang improvised shotgun sa isinagawang buy-bust operation sa Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Inspector Napoleon Cruz, Balagtas police chief, ang naarestong si Ronnel Batusin y Espiritu alyas Bunso at residente ng Brgy. Borol 1st, Balagtas na nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 matapos makumpiskahan ng tatlong sachet ng shabu, isang pakete ng marijuana at sumpak na may tatlong bala.
Dakong alas-11:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang Balagtas-PNP makaraang ang isang linggong surveillance operation kung saan hindi na nakapalag ang suspek na si Batusin.