Isang shabu pusher ang napatay makaraang manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Roque, Pandi, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang napatay na tulak na si Jeffrey Tabianan y Maningas, nasa drug watchlist ng pulisya at residente ng nasabing bayan na namatay sa pook ng insidente bunga ng tama ng bala sa katawan habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan na nakilala sa alyas na ‘Eseng’.
Nabatid na ipinasailalim sa buy-bust operation ng Pandi PNP ang kanilang target na si Tabianan at ‘Eseng’ na siyang nagtutulak ng droga sa Mayumi St., Saint Dominique, Brgy. San Roque subalit nakahalata ang mga ito na pulis ang katransaksyon kaya agad itong nagpaputok ng baril at nagresulta sa agad na kamatayan matapos ratratin ng mga awtoridad.