Isang drug pusher na may nakabimbin na kasong rape ang nasakote ng pulisya makaraang kumagat sa isang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Raniel M. Valones, Sta. Maria police chief, nakilala ang suspek na si Joseph Sancho, 41, matansero ng Brgy. Balasing, Sta. Maria na nakapiit ngayon sa BJMP sa St. Maria matapos makumpiskahan ng shabu at buy-bust money.
Napag-alamang ang suspek na si Sancho ay mayroong mga kasong rape, statutory rape at child abuse sa Malolos RTC at nadiskubre lamang ito matapos makorner sa isinagawang buy-bust drug operation.