Isang lady pusher na may kaso sa korte ang ika-100 biktima ng summary execution sa Bulacan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagtitinda sa Daang Bakal, Barangay Banga 2 Plaridel, Bulacan kamakalawa.

Ang napatay ay kinilalang si Rizza Jacinto, 36, na nagawa pang maisugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival bunga ng tama ng bala sa katawan.

Lumilitaw na ang biktima ay kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar at kasama din sa drug watchlist ng BADAC bukod sa mga nakasampang drug cases sa Malolos RTC.

Lumilitaw na si Jacinto ang ika-100 biktima ng pamamaslang sa Bulacan mula pa noong Hulyo 1, 2016 matapos paigtingin ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa droga.