Bulacan trader todas sa riding-in-tandem

Isang trader na sinasabing nasa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang napatay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Pulo, San Rafael, Bulacan kamakailan.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonathan de Guzman, na namatay sa pook ng pamamaril bunga ng mga tama ng bala sa ulo.

Lumilitaw na bandang alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktimang si De Guzman ay nakatakdang magdeliber ng negosyong uling at buntutan ito ng riding-in-tandem bago pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek at narekober ng mga awtoridad ang siyam na basyong bala ng cal. 45 pistol sa lugar ng insidente.