Bulacan visit ni Duterte kinansela sa bad weather

Dala ng masamang lagay ng panahon hindi natuloy ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa First Scout Ranger Regiment (FSRR) headquarters sa Camp Tecson, Brgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan kahapon ng hapon.

Ayon kay FSRR commander Brig. Gen. Eduardo Davalan, ipinagbigay-alam ng Presidential Security Group ang pagkansela sa pagbisita ng Pangulo.

Zero visibility umano kaya hindi na natuloy ang paglipad ni Pangulong Duterte sa FSRR headquarters dakong alas-dos ng hapon.

Nakatakda sanang harapin ng Pangulong Duterte ang mga military commanders at FSRR staff officers gayundin ang 400 Scout Rangers kahapon.

Nabatid na pangala­wang beses nang napurnada ang pagbisita ng Pangulo sa naturang kampo. Una, noong nakaraang buwan dahil din sa masamang panahon.