Nasa state of unrest subalit walang dapat na ipangamba ang publiko sa nakikitang usok sa Mount Bulusan sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, nananatiling nasa alert level 1 ang status ng Mt. Bulusan na ang ibig sabihin ay nasa state of unrest ito dahil sa nakitang pamamaga sa gilid ng bulkan at ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibilidad ng paglabas ng hazardous phreatic eruptions.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na sa kanilang monitoring ay wala pa silang nakikitang kakaibang aktibidad ng bulkan maliban sa ipinamamalas nito na pagbuga ng mamasa-masang usok na dala ng hypothermal processes sa loob ng bulkan.