Nagtala ng dalawang pagbuga ng abo ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon kahapon.

Batay sa rekord ng Phivolcs, nangyari ang pagbuga ng abo sa pagitan ng alas-7:59 at alas-8:05 ng umaga, nagtala rin ito ng grayish white at may taas na 300 hanggang 500 metro.

Sa obserbasyon ng ahensiya, mayroong kaunting pamamaga sa ilalim ng bulkan na maaaring sanhi ng namumuong magma sa ilalim nito.

Mahigpit nang ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa loob ng 6-­kilometer permanent danger zone at precautionary 7 km-radius extended danger zone na sakop ang bayan ng Anoling, Camaling, Sta. Misericordia at Sto. Domingo, habang pinag-iingat na ang mga residente sa mga nasabing lugar.

Ipinagbabawal din sa mga ­piloto ang paglipad malapit sa volcano ­summit.