Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na susunod na sasabog ang Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa Phivolcs, nanatiling nasa Alert Level 2 ang Mayon at ang nakikitang puting usok sa ibabaw ng bunganga nito ay normal lamang dahil isa itong aktibong bulkan.
Sinabi ni Mayon Volcano Observatory officer-in-charge Paul Karson Alanis na walang katotohanan na sasabog din ito katulad ng Bulkang Taal.
Sa loob ng 24 oras ay mino-monitor umano nila ang Mayon at walang indikasyon na mayroon itong kakaibang volcanic activity.
Dahil nasa Alert Level 2 ang Mayon ay ipinatutupad dito ang anim na kilometrong permanent danger zone. (Tina Mendoza)