Bulls 4-peat kundi binuwag – Rodman

Naniniwala si Dennis Rodman na kung nanatiling buo ang Chicago Bulls para sa 1998-99 National Basketball Association (NBA) season madali nilang masisikwat ang pang-apat na sunod na korona at pitong kampeonato sa walong taon.

Hinablot ng Bulls ang pangatlong sunod na korona noong 1998 doon na rin natapos ang dynasty dahil determinado si general team manager Jerry Krause na pakawalan si Phil Jackson bilang coach.

Ayaw namang maglaro na ni NBA icom Micheal Jordan kung iba na ang coach habang problemado si Scottie Pippen dahil hindi na rin kursunada ni Krause.

Tinanong si former Chicago forward Rodman kung sakaling buo sila noong 1999 season ano ang magiging resulta ng NBA noon.

Walang hirap na masisilo ang fourth consecutive crown ang sagot ni Rodman sa interview ng ESPN’s “First Take”.

“The Bulls would have “easily” won a fourth consecutive championship in 1999 had the team stuck together,” ani Rodman. “I wanted to win championships with these guys. I would go to war with these guys any time of the day. It was just sad in the fact that we could have come back and won a fourth championship very easily.”

Nagkampeon noon ang San Antonio Spurs na inakbayan nina Tim Duncan at David Robinson.

Anim na beses lumaro sa finals ang Bulls sa loob ng walont taon, naipanalo nila lahat iyon. (Elech Dawa)