Iba’t ibang klase ng kalibre ng baril at mga bala ang nasamsam sa isang tsuper makaraang salakayin ng mga pulis ang kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa.
Ayon kay P/Sr. Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang suspek na si Ariel Alberto, 48, taga-No. 7 Roberto St., Sitio Sto. Rosario, Brgy. Maysan.
Bago ang raid, may natanggap na impormasyon ang mga tauhan ni Col. Poklay na nag-iingat umano ng iba’t ibang uri ng baril ang suspek na walang kaukulang papeles.
Nang salakayin ang bahay sa bisa ng search warrant, nakuha sa pag-iingat ng driver ang isang gauge 12 Armscor shot gun, isang cal. 22 rifle, 3 cal. 38, cal. 22 airgun, pistol replika, 96 na bala ng shotgun, 95 bala ng cal. 22 magnum, 16 bala ng cal. 380 at mga holster.
Bunga nito’y kinasuhan ng RA 10591 at Omnibus Election code ang suspek.