Bulut puntirya ang 3×3 Olympic gold

Pangarap ni International Basketball Federation (FIBA) 3×3 world number one player Dusan Bulut ng Novi Sad-Serbia, na maging unang gold medalist sa binyag ng event sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa papasok n a taon sa Tokyo, Japan.

Bisita si Bulut sa The Corner podcast kasama sina Tom Kirkland at Sam Friedman kung saan sinalaysay niya ang naging buhay sa Serbia, basketball idols, at Olympic gold dream.

Hindi ikinakaila ni Bulut na mula sa mga sirang kalye na sanhi ng giyera sa Serbia siya nagsimula hanggang umangat sa pagiging world No. 1 3×3 men’s cager.

“I had a fun childhood. I was too small to understand the complete situation so I was usually outside all day, and we didn’t have much to do, and the whole neighborhood and community would play on the street courts to play either basketball, football, or hide and seek,” aniya.

Naging inspirasyon nang lumaki sa Eastern Europe ang American movie na “White Men Can’t Jump.”

“I watched that movie and my father asked me if I want to try basketball… and I said you know, I like the movie, and that’s how that all started,” patuloy niya.

Hindi na napigilan si Bulut sa bagyong pagdomina sa mundo ng 3×3, nakaanim na gold medal habang bitbit ang Serbia sa mga internasyonal na torneo. Hindi matatawaran ang pagmamahal at debosyon niya tuwing sa hard court.

“For me, the best thing is that it’s fun to play. In 3×3 you have all the freedom in the world. It’s so much fun for me because I can show everything I am. I can dribble the ball; I can shoot shots and pass behind the back and stuff like that. For me growing up and playing 3×3 was always more fun than playing basketball,” hirit ni Bulut.

Hindi naman nagdalawang isip sa sagot sa magiging 3×3 teammates ang kilala bilang Mr. Bullutproof , “I’d go with Luka Doncic and Nikola Jokic.”

Ikinatuwa ni Bulut na malaki ang posibilidad na hindi lang isang ginto ang posibleng maiuwi ng Serbia kung makakasama ang dalawang manlalaro sa NBA para sa 2020 Tokyo Olympics. (Lito Oredo)