Dear Dra. Holmes:
Good morning po, Dra. Margie. Avid reader po ako ng column n’yo sa Abante newspaper. Itatanong ko lang po, totoo po bang babalik ang virginity ng isang babae after 10 years? Salamat po.
Good morning, Maya:
Maraming salamat sa sulat mo. Kung hinahanap mo ang one-word answer sa tanong mo tungkol sa pagbabalik ng virginity, ang sagot ay hindi. Hindi maibabalik ang virginity ng isang babae (o lalake) kahit na pagkatapos ng 10 taon… o kahit na pagkatapos ng 20 taon.
‘Yan ay dahil ang pagiging virgin ay tungkol sa hindi pagpasok ng ari ng lalake sa ari ng babae. Kapag nangyari na ‘yan, hindi ka na virgin.
Kahit isang beses lang nangyari ‘yun, kahit na ginusto mo o hindi, kahit nag-enjoy ka o hindi, basta nakapagsiping ka na (pumasok ang ari ng lalake sa ari mo), hindi ka na virgin.
In other words, ang virginity ay walang kinalaman sa pagsikip ng ari ng babae o kung siya ay nagdugo nang nagtalik siya nang unang beses sa bagong lalake.
Ang saklap para sa mga umaasa na makakabalik ang virginity nila, ‘di ba, Maya?
Pero, para sa mga hindi umaasa ng ganu’n, ok na ok lang. At sana ok na ok ito sa iyo, Maya. Sana ok ito sa lahat ng kababaihan (at kalalakihan rin) dahil sa aking opinyon (at opinyon lang naman), masyado nating binibigyan ng kahalagahan ang virginity.
Hindi ko sinasabi na ibalewala natin ang virginity. Mahalagang bagay ito.
Ang sinasabi ko lang ay sayang. Sayang kung ang ating basehan para marespeto ang isang babae ay kung virgin siya o hindi. Dahil ang dami-dami nating mahahangaan sa isang tao na walang kinalaman tungkol sa virginity niya o hindi.
Inaasahan ko na nakatulong ito sa iyo, kahit konti lang. Kung hindi, sana sulatan mo ulit kami rito sa Tonite, ok, Maya? Ingat. — MG Holmes
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Tonite. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite FB tuwing Huwebes, 7 pm.