“Aksidente at walang may gusto sa nangyari.”

Ito ang paglilinaw ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbagsak ng UH-1D sa Tanay, Rizal noong Huwebes ng hapon.

Tiniyak din ni Air Force spokesperson Col. Antonio Francisco na ‘air worthy’ ang lahat ng UH-1D choppers dahil dumaan ito sa masusing inspeksyon.

Iginiit ni Francisco na bago pa man ilipad ang mga eroplano at helicopters ay dumadaan ito sa 360 degrees na inspeksyon upang matiyak na ‘air worthy’ ang kanilang mga aircraft.