HAVEY: Bumaha ng luha ang last taping day ng Encantadia sa kanilang studio sa Makati.

Bago pa nu’n, nag-last day din sila sa set up nila sa Bataan kaya segue-segue sila sa taping.

Mapapanood nga­yong gabi ang pagtatapos ng Encantadia. Bali­ta namin ay may pagbabalik pa si Marian Rivera sa farewell episode na sabay-sabay papanoorin ng cast sa Thanksgiving Party mamaya.

Kung may nagtatapos, may mag-uumpisa. Sa Lunes, maganda ang tapatan ng Mulawin vs Ravena at FPJ’s Ang Probinsyano Book 2.

Sa pagtatapos ng Encantadia, tetengga muna ang ibang mga artista at karakter ng fantaserye.

Ang narinig namin ay may bago nang gaga­wing teleserye ang direktor nila na si Mark Reyes for Heart Evangelista.

Si Sanya Lopez ay minamataang magsisi­mula na rin ng isang pang­hapong programa na papalit sa Legally Blind.

Wala pang kasiguraduhan kung sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia pa rin ang magkasama sa susunod na show dahil may Arra San Agustin na.

Si Rocco Nacino ay may nakaabang nang bagong soap opera.

Si Joross, magsisimula na ng pelikula na kanyang pagbibidahan para sa isang major production outfit.

Kung wala pang susunod na programa, mala­mang na tanggapin niya ang isang magandang role sa isang teleserye ober da bakod.

At least, nagmarka ang requel ng Encantadia.

Sana, dumating ang panahon na puwedeng mag-reunion lahat — hindi man sa TV, baka sakaling sa isang malaking pelikula.

Why not?

***

WALEY: Excited na nag-attend ng story conference ang dating OPM President na si Mitch Valdes para sa kanyang very first teleserye na sasalihan na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Imagine, ang daming first — my first teleserye, my first one with my new manager, my comeback sa ABS-CBN where I had my very first regular show na Super Laff In (1971-72).

“I’m just so happy to be in the NOW at excited akong makilala ng millennials especially in this toprating show. This is the Millennial Mitch,” sabi ng dating Maya Valdez na nagbida sa Buhay Pinoy (1973-75), UFO (Urbana, Felisa and Others) noong mid ‘80s, Taste Buddies (1975-76) at Champoy (1981-85).

Mitch is also an awarded and critically acclaimed actress sa mga markadong pelikula tulad ng Lunes, Martes, Miyerkules…, Bulaklak Ng City Jail at Oro Plata Mata.

Tumatak si Mitch bilang Katy dela Cruz sa musical na Katy! noong 1988 under Nestor Torre.

Kasabay ng pagpasok ni Mitch sa teleserye, bumubuo siya ng bagong show act na pangungunahan ni Direk Joey Reyes na matagal nang nag-commit para gawan siya ng panibagong karakter!

“Bring it on, I’m just so excited to be out there. I want Mitch to be relevant,” sabi ni Mitch.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.