Magandang sabong mga kanokis.
Sumilip na naman tayo sa sabungan nakaraan at siyempre ikot-ikot, sagap ng balita at tsismis. Hanggang sa umupo ako sa ulutan at nakarinig ng kuwento nang naghihinaing he he he.
Naghihimutok si Manong dahil binili niya ng P900 ‘yung nilaban at ang masakit ay itinakbo ang pera niya dahil kumakak sa sugat ang manok niya, pinustahan daw niya ng P16,500.
Grabe naman ang lakas mong pumusta tapos ganun lang bili mo. Bakit hindi ka bumili ng matibay na manok?
Matalo man eh nakikita mong lumalaban.
Mga klasmeyt, huwag natin baratin ang pagbili ng manok. Kung pumaparada ka ng malaki eh yung de-kalidad na ang bilhin mong panlaba.
Gaya din ‘yan kapag nagpapalahi ka. Kumuha ka ng materyales na maganda.
Kahit mataas ang presyo ay nakasisiguro ka naman na quality. Sipatin at suriin lang ang pagpili.
***
Congratulations kay Dori Du (Davao Matina 6-Stag Big Event Pzd Dec. 1 330k) solo champion sa katatapos na World Pitmasters Cup 1-day 7-Stag Big Event 220K Entry Fee noong Linggo. Umiskor siya ng perfect seven points.
***
Ilalarga ngayong araw ang PFGB Digmaan/2018 Digmaan 11-Stag Derby/3-Stag Eliminations sa Pasay City Cockpit. Kaya mga kasabong tara na at magtrabisya.